Current time in Vietnam:
Filippino

Sinong may kailangan ng visa patungong Vietnam?

Mga mamamayan lamang ng mga piling bansa ang maaaring dumayo sa Vietnam nang walang entry visa. Ang mga mamamayan ng mga bansang kabilang sa ASEAN ay hindi na kailangan ng visa para makapasok sa Vietnam kung hindi lalampas ng 30 araw ang pananatili nila sa loob ng bansa. Ang mga mamamayan ng Korea, Japan, Norway, Denmark, Sweden, Finland and Russia ay hindi narin kailangan ng visa kung hindi rin naman lalampas ng 15 araw ang pananatili nila sa loob ng bansa. Ang mga mamamayan ng iba pang mga bansa na hindi nabanggit ay kailangan muna ng visa bago umalis papuntang Vietnam ( Vietnam visa na makukuha sa embahada/konsolado ng Vietnam bago umalis) o kaya ng approval letter para makuha ang kanilang Vietnam entry visa (visa na makukuha sa paliparan ng Vietnam) bago pumunta sa Vietnam.

Ang mga sumusunod ay mga karagdagang impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa pagpapaliban ng visa.

-Hindi kailangan ng tourist visa ng mga passport holders ng mga mamamayan ng Thailand, Philippines, Malaysia, Singapore, Indonesia, Myanmar, Cambodia, Brunei, at Laos kung hindi naman lalampas sa 30 araw ang pananatili nila sa loob ng bansa.

-Hindi kailangan ng tourist visa ng mga passport holders ng mga mamamayan ng Japan, South Korea, Sweden, Norway, Denmark, Finland at Russia kung hindi naman lalampas ng 15 araw ang pananatili nila sa loob ng bansa.

-Ang mga holders ng APEC Business Travel Card (ABTC) na galing sa mga bansa na miyembro ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC)  ay hindi na kailangan ng tourist visa para sa paglakbay sa Vietnam nang hindi naman lalampas sa 60 araw.

-Hindi kailangan ng Vietnam entry visa para sa pagpunta sa Phu Quoc Island (Vietnam). Ang mga papasok sa Vietnam na mga banyaga at mga Vietnamese na mayroon banyagang passports na dadaan sa international border gate at lalakbay sa Phu Quoc Island at mananatili sa lugar nang hindi hihigit sa 15 days ay maaari ding hindi na mag-apply para sa Vietnam visa. Ang mga passport ay kailangang balido ng 45 na araw. Kung pagdating sa Phu Quoc Island ay gusto namang maglakbay ng mga bisita patungong iba pang lokasyon o manatili sa isla ng higit sa 15 araw, ang Immigration department na ang responsable sa pagbigay ng visa sa nasabing lugar.

-Hindi narin kailangan ng Vietnam entry visa ng mga Vietnamesse mula sa ibang bansa kung sila ay mananatili sa Vietnam nang hindi lalampas sa 90 na araw at mayroong Vietnam visa exemption certificate.

Iyan ang ilan sa mga impormasyon na nais naming malaman mo.

YOU MIGHT BE INTERESTED
Visit this link on mobile
Risky Free:
We charge service fee when your visa application is processed successfully.
Hassle-Free:
No passport send-off. No embassy queuing.
Fast:
Within 48 hours processing time.
Accessible:
100% online. Send and receive by email.
APPLY FOR VISA ON ARRIVAL VIETNAM
VietnamImmigration.com is a commercial website providing service for visa Vietnam and charge service fee. We are neither government website nor affiliated with embassy therefore our fee is higher than official fee from government.