Ang mga mamamayan lamang ng mga piling bansa ang pwedeng pumasok ng Vietnam nang walang vis. Ang mga mamayan ng mga bansang kabilang sa ASEAN ay maaaring bumisita ng Vietnam nang walang visa kung hindi lalampas ng 30 araw ang pananatili sa loob ng bansa. Ang mga mamamayan naman ng Korea, Japan, Russian at Scandinavians ( ang may mga passport na nanggaling ng Norway, Denmark, Sweden at Finland) ay hindi na kailangan ng visa kung bibisita lamang sila sa Vietnam sa loob ng 15 na araw. Ang mga mamamayan ng mga bansang hindi nabanggit ay kailangan ng Vietnam entry visa ( visa na makukuha sa embahada/konsolado ng Vietnam bago umalis) o kaya ng pre-approved Vietnam visa (visa na makukuha sa paliparan ng Vietnam) bago pumunta sa Vietnam.
Mga Impormasyon na dapat mong malaman tungkol sa mga liban sa pagkuha ng Vietnam Visa:
– Hindi kailangan ng Vietnam visa entry para sa mga hindi aabot sa 30 na araw ang paglalakbay sa loob ng bansa: Mga mamamayan ng Thailand, Philippines, Malaysia, Singapore, Indonesia, Myanmar, Cambodia, Brunei at Laos.
– Hindi kailangan ng Vietnam visa entry para sa mga hindi aabot sa 15 na araw ang paglalakbay sa loob ng bansa: Mga mamamayan ng Japan, South Korea, Sweden, Norway, Denmark, Finland at Russia.
– Hindi kailangan ng Vietnam visa entry para sa mga hindi aabot sa 90 na araw ang pananatili o maraming pagdalo sa bansa sa loob ng 6 na buwan : Mga mamamayan ng France na may mga patotoong diplomatiko or opisyal na mga passaporte.
– Hindi kailangan ng Vietnam visa entry para sa paglalakbay sa bansa na hindi aabot ng 60 na araw: Mga mamamayan ng Chile na mayroon patotoo at diplomatiko o opisyal na mga passaporte.
– Hindi kailangan ng Vietnam visa entry para sa paglalakbay sa bansa na hindi aabot ng 60 na araw: Sa mga mayroong APEC Business Travel Card (ABTC) na galing ng sa mga ekonomiyang miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
-Hindi kailangan ng visa para sa paglakbay sa Isla ng Phu Quoc – Vietnam: Ang mga dayuhan at Vietnamese na maroon dayuhang mga passaporte na papasok ng Vietnam sa pamamagitan ng internasyonal na border gate at maglalakbay at mananatili sa Isla ng Phu Quoc nang hindi umaabot sa 15 na araw ay ipinagliliban din na mag-apply para sa Vietnam visa. Ang dalang passaporte ay kailangang balido ng kahit man lang 45 na araw. Kung gusto ng mga bisita na lumakbay pa sa ibang lugar o manatili sa Isla ng Phu Quoc nang mahigit sa 15 na araw, ang Immigration Department na ang responsable sa pagbibigay ng visa sa mismong lugar.
-Hindi kailangan ng visa para sa mga taga-ibang bansang Vietnamese na hindi aabot ng 90 na araw ang pananatili sa loob ng bansa at mayroong katibayan na sila ipinagpapaliban na kumuha ng Vietnam visa.
Kalahatang Impormasyon tungkol sa Vietnam
At dahil simple at madaling na ang pagkuha ng Vietnam visa, bakit hindi mo subukang dumayo sa Vietnam upang matuklasan ang mga tinatago nitong ganda. Ang Vietnam ay isang nakakabighani at magiliw na bansa.