May 2 paraan upang makakuha ng visa para makapasok sa Vietnam: 1.) Mag-apply para sa iyong Vietnam visa sa emabahda o konsolado ng Vietnam na meron sa inyong lugar. 2.) Sa amin mag-apply para sa iyong approval letter para sa pagkuha mo ng iyong visa upon arrival sa Vietnam international airport kung walang embahada/konsolado ng Vietnam sa inyong lugar o kung malayo ka sa lokasyon nito.
Tandaan na mag-apply para sa approval letter upang makuha sa Vietnam airport ang iyong visa upon arrival . Ang kasulatan na naaprubahan ng gobyerno ay ang magpapahintulot sa iyo na makapasok sa 3 paliparan ng Vietnam: Hanoi, Ho Chi Minh at Danang.
Kapag dumating ka na sa paliparan ng Vietnam sa Hanoi, Ho CHi Minh o Lungsod ng Danang, makakakita ka ng “landing visa counter” bago ang immigration line. Tumungo muna doon upang ipakita ang iyong approval letter para sa pagpapaselyo ng iyong visa sa iyong passport bago mag check-out sa immigration line.
Para sa iilang mamamayan na maaaring pumasok ng Vietnam nang may libreng visa policy, ngunit gusto mong manatili pa nang mas matagal, mag-apply para sa approval letter. Tandaan na pumunta sa landing visa counter upang ipakita ang approval letter para sa pagkuha mo ng visa para makapanatili pa nang mas matagal sa loob ng bansa. Ang inyong approval letter ay hindi na balido kapag ikaw ay dumeretso nang nagcheck-out sa immigration line dahil aakalain ng mga nasa katungkulan na gusto mong pumasok ng Vietnam gamit lamang ang visa exemption policy. Ang sitwasyong ito ay nangyayari sa mga mamamayan ng mga sumusunod na bansa: Denmark, Norway, Sweden, Finland, Japan, Korean (Seoul), Russia, Singapore, Malaysia, Indonesia, Thailand, Lao, Cambodia, Philippines.