Dapat kang mag-apply para sa business visa kung gusto mong magtrabaho o mag-negosyo sa Vietnam.
Tandaan na kung gusto mong magtrabaho nang legal sa Vietnam, kailangan mo ng work permit at ng busniess visa bilang isa sa mga kondisyon sa pag-aappy para sa work permit. Ang work permit ay iba pa sa business visa at huwag mong isipin na legal ang magtrabaho sa Vietnam kung meron ka lamang ng business visa.
Kami ay nagsasaayos ng approval letter para sa pagkuha ng business visa upon arrival sa paliparan ng Vietnam at para sa mga turista. Ang 1 buwang visa ay inasaayos namin para sa mga turismong layunin. Habang ang 3 buwang visa naman ay isinasaayos namin para sa layuning pangangalakal.
Kung gusto mo ng business visa ngunit kami ay nagsagawa na ng approval letter para sa tourist visa, mag-email lamang agad sa info@vietnamimmigration.com para humingi ng bagong approval letter para sa business visa. Hindi kami humihingi ng kabayaran para sa alin mang pagbabago na isinagawa.
Huwag mabahala kung gusto mo naman ng tourist visa ngunit kami ay nagsaayos na ng approval letter para sa pagkuha mo ng iyong visa upon arrival sa Vietnam para layuning pangangalakal. Maaari ka namang maglakbay parin sa loob ng bansa gamit ang business visa nang walang problema at hindi na ito kailangang baguhin pa.
Sa makatuwid, maaari ka paring maglakbay sa Vietnam nang gamit ang business visa. Ngunit kung tourist visa lamang ang iyong gamit, maaari kang magkaproblema kung ikaw ay magsasagawa ng trabaho o negosyo sa loob ng Vietnam.
Tandaan na mag-apply para sa business visa kung ang pagpasok mo sa Vietnam ay nasa ilalim ng mga sumusunod na kaso ( ang mga ito ay iilan lang sa mga kaso na aming naranasan at ikatutuwa din naman namin kung maipapamahagi mo sa amin ang iyong mga karanasan sa pamamagitan ng pag-email sa info@vietnamimmigration.com ):
Kailangan mo mag-apply para sa business visa kung ikaw ay seam na pupunta ng Vietnam sa pamamagitan ng air transportation ngunit gustong sumakay ng barko para sa hanap-buhay o gusto mong lumabas ng Vietnam sa pamamagitan ng barko.
Ang mga miyembro ng tripulante ay kailangan ding mag-apply para sa business visa kapag sila ay nasa trabaho
Ang mga taong dadalo sa internasyonal na pagtitipon sa Vietnam ay kailangan ding mag-apply para sa business visa.