Current time in Vietnam:
Filippino

Mga hakbang para sa online na pagkuha ng Vietnam visa

Sa loob ng 24 oras pagkatapos mong magbayad para sa Vietnam visa ay papadalhan ka namin ng approval letter para sa iyong visa sa airport. Pakiusap lamang ay padalhan kami ng email sa info@vietnamimmigration.com kapag hindi mo parin natatanggap ang iyong approval letter pagkatapos ng 24 oras.

At mula dyan ay sundan na ang mga sumusunod na hakbang.

Unang hakbang.

Pagkatapos mong ipadala ang iyong online visa application sa  www.vietnamimmigration.com, ikaw ay makakatanggap ng kumukumpirmang email mula sa amin na nagpapakita na natanggap na namin ang iyong visa application.

Sa loob ng hindi hihigit sa 1 business hour ay padadalhan ka na namin ng payment request pagkatapos naming suriin ang iyong visa application upang makasigurado na ito ay maaprubahan. Tumatanggap kami ng bayad sa pamamagitan ng credit cards, Paypal, Western Union at bank transfer.

Ikalawang hakbang.

Sa loob ng 24 oras matapos naming matanggap ang iyong bayad, ikaw ay padadalhan namin ng approval letter na naglalaman ng code para sa pagkuha mo ng iyong visa sa oras na ikaw ay dumating sa alin man paliparan sa Vietnam (paliparan sa Hochiminh, Hanoi, at lungsod ng Danang). Ang approval letter ay ipapadala sa iyo sa pamamagitan ng email at ito ay may kasamang JPEG, PNG o di kaya ay PDF na format sa attached files. Padalhan lamang kami ng email sa info@vietnamimmigration.com kapag hindi mo parin natatanggap ang iyong approval letter pagkatapos ng 24 oras.

Ikatlong hakbang.

Pagkatapos matanggap ang iyong approval letter, kailangan mo itong i-print upang ipakita bago makasakay ng eroplano. Maaari mong makuha ang iyong visa sa mga paliparan ng Vietnam sa Kapital na lungsod ng Hanoi, Ho Chi Minh, Lungsod ng Saigon, at Lungsod ng Danang. Hindi ka makakapasok ng Vietnam para sa iyong pick up visa kung wala kang approval letter.

Maghanda ng 2 litrato na may sukat ng 4x6cm o sukat na passport size at pera na USD para sa bayad sa selyo o immigration fee sa airport. Ang halaga ng visa para sa single entry lamang ay 25 USD, at 50USD naman ang  multiple entries visa.

YOU MIGHT BE INTERESTED
Visit this link on mobile
Risky Free:
We charge service fee when your visa application is processed successfully.
Hassle-Free:
No passport send-off. No embassy queuing.
Fast:
Within 48 hours processing time.
Accessible:
100% online. Send and receive by email.
APPLY FOR VISA ON ARRIVAL VIETNAM
VietnamImmigration.com is a commercial website providing service for visa Vietnam and charge service fee. We are neither government website nor affiliated with embassy therefore our fee is higher than official fee from government.