Current time in Vietnam:
Filippino

Mga Simpleng Hakbang upang makakuha ng Vietnam Visa

Ang Vietnam ay isang nakakabighaning bansa na napapalibutan ng mayayaman at mga berdeng anyong lupa, magagandang hillside na mga lansangan, natural na ganda ng dalampasigan ng mga karagatan at mga nakakamanghang baybayin. Kaya naman malaking bilang ng mga turista ang nagsidayo sa bansang ito ngayong taon. 

Kung ikaw ay nagbabalak na magbakasyon o mag-honeymoon trip sa nakakamanghang bansa na ito, kailangan mo ng visa pagdating mo sa Vietnam. Ang mga papasok na bansa na walang balidong Vietnam visa ay pababalikin sa kanilang huling port ng departure.

Ang visa at iba pang kondisyon para sa pagpasok at paglabas ay maaaring magbago ano mang oras, kaya kailangan mong makipag-ugnayan sa pinakamalapit na emabahada o konsolado ng Vietnam para makakuha ng mga pinakabagong impormasyon. Ang tourist visa ay maaaring gamitin sa loob ng 1 buwan lamang, habang ang business visa naman ay maaaring gamitin ng 2 buwan at ang transit visa ay para lamang sa 5 araw na paggamit. Kadalasan na ang student vusa ay isinasaayos pagkatapos ng iyong arrival sa airport.

Ang pagkuha ng visa para sa Vietnam ay hindi isang mabigat na trabaho. Narito ang mga simpleng hakbang na maaaring makatulong sa iyo sa iyong pagkuha ng visa patungong Vietnam sa tamang oras.

  • May dalawang paraan upang ikaw ay makakuha ng Vietnam visa. Ang isang paraan ay ang pagkuha ng entry visa sa pamamagitan ng pag-apply sa pinakamalapit na embahada o konsolado ng Vietnam. Kung walang emabahada o konsolado ng Vietnam sa loob ng iyong bansa, kailangan mong tumungo sa susunod na pagpipilian at ito ay ang “Visa on Arrival”.
  • Hindi tulad nuong mga sinaunang araw, ang pagkuha ng visa ngayon ay hindi na masyadong kumakain ng oras at hindi na isang nakababaluktot na  proseso. Sa pagpapatibay ng modernong electric system para sa pagproseso ng travel visa, ang pagkuha ng visa ay simple na at mabilis. Ang Visa on Arrival o pre-arranged na visa ay ang pinakaimainam na pagpipilian para sa mga turista na wala nang oras para maghanap ng pinakamalapit na emabahada ng Vietnam o hindi gustong ipadala ang kanilang passport sa email.
  • Kailangan mo munang sagutan ang online application form at ikumpirma ang mga impormasyon na gagamitin para sa pagproseso ng iyong visa. Kailangan mo ding magbayad ng service fee sa pamamagitan ng mga secure online payment mode.
  • Sa loob ng 2 araw, matatanggap mo na ang iyong visa approval letter sa pamamagitan ng email. Para sa pagsakay ng eroplano, kailangan mong i-print ang iyong pre-approved letter at dikitan ito ng dalawang passport-size na mga larawan.
  • Kapag dumating ka na sa internasyonal na paliparan a Vietnam, kailangan mo ipakita ang pre-approved letter para sa pagkuha ng iyong visa sa counter ng Landing visa at kailangan mo din bayaran ang stamp fee. Ang opisyal na tauhan ng Vietnamese Immigration ang magseselyo ng iyong visa sa iyong passport sa loob lamang ng 10 hanggang 15 na minuto.
YOU MIGHT BE INTERESTED
Visit this link on mobile
Risky Free:
We charge service fee when your visa application is processed successfully.
Hassle-Free:
No passport send-off. No embassy queuing.
Fast:
Within 48 hours processing time.
Accessible:
100% online. Send and receive by email.
APPLY FOR VISA ON ARRIVAL VIETNAM
VietnamImmigration.com is a commercial website providing service for visa Vietnam and charge service fee. We are neither government website nor affiliated with embassy therefore our fee is higher than official fee from government.